Halaga
by: Parokya ni Edgar
Umiiyak ka nanaman, langya talaga
Wala ka bang ibang alam, namumugtong mga mata
Kailan ka pa kaya magsasawa sa problema iyong
pinapasan
Hatid sa iyo ng boyfriend mong hindi maintindihan
May kwento kang pandrama na naman
Parang pang T.V. , walang katapusan
Hanggang kailan ka ba ganyan
Hindi mo ba alam na walang pupuntahan
Ang pagtiyaga mo diyan sa boyfriend mong tanga
Na walang alam kung hindi paluhain ka
Sa libu-ibong pagkakataon na tayo'y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya
Siguro ay hindi niya alam ang iyong tunay na halaga
Ayoko ng isipin pa, hindi ko alam
Kung bakit di mo kayang iwanan siya
Ang dami dami naman diyang iba
Wag kang mangangamba na wala kang ibang makita
Na lalake na mag mamahal sa iyo
At hindi niya sasayangin and pag-ibig mo
Minsan hindi ko maintindihan kung bakit
Ang buhay natin ay pinagtritripan
Medyo malabo yata ang mundo
Binabasura ng iba and pinapangarap ko
Sa libu-ibong pagkakataon na tayo'y magkasama
Iilang ulit palang kitang nakitang masaya
Naiinis akong isipin na ginaganyan ka niya
Siguro ay hindi niya alam and iyong tunay na halaga