TORPE SONG #5
Bukas o makalawa
Baka pa makawala pa
Naiparating mo na ba,
Naihayag mo na ba
Nakapagtapat ka na ba, ano ba?
Di n'ya malalaman, di mahuhulaan
damdamin mo
Kung di sasabihin,
Kaya nga't sabihin mo na
Maypa tulatula pa, di naman nya nabasa
Baka pa matulala ka
Pag may ibang pumorma mauunahan ka pa
baka mag mukha kang tanga, diba!
Di n'ya malalaman, di mahuhulaan damdamin mo
Kung di sasabihin, kaya nga't sabihin mo na
Sige na, lakad na sugod na baka mawala pa
Kayang kaya mo yan
Sige na, lakad na sugod na kapal mukha na
Kayang kaya mo yan
Sige na, lakad na sugod na, baka sagutin ka,
sana nga oh sana, kayang kaya mo yan...