Ang Mga May-Akda

Si Iņigo G. Vito ay kilalang oral historian ng Pakil, Laguna. Siya ay dating seminarista at aktibo di lamang sa mga gawaing simbahan kundi maging sa mga gawaing pangkomunidad lalo na sa bayan ng Pakil. Nagtamo siya ng pinakamaraming boto sa halalang lokal sa Pakil at nagsilbi bilang konsehal sa Sangguniang Bayan mula 1988 hanggang 1992.

Si Delia Rarela-Barcelona ay kasalukuyang dekana ng Kolehiyo ng Komunikasyong Pangmadla sa Unibersidad ng Pilipinas. Siya ay nagtapos ng Ph.D. in Sociology sa University of Chicago at ng M.A. at A.B. Communication sa U.P.

Si Maria Cynthia Rarela Macabasco ay mag-aaral sa programang Master in International Studies sa Unibersidad ng Pilipinas. Nagtapos siya sa U.P. ng B.A. Economics noong 1985 at ng B.A. Communication noong 1987.

Ang mga nasabing may-akda ay puro taga-Pakil.
Hosted by www.Geocities.ws

1