TFC aired Nora's Gold Concert on June 29, 2003 at 7:15 PST
Nora's Gold Concert
Araneta Coliseum
May 17, 2003
7:30 pm
Here's a link to a nice article from Nestor U. Torre regarding the Gold  Concert.
Pictures from Nora's Gold Concert as shown on The Buzz.

Nagpasalamat si Ate Guy sa lahat ng Noranians na sumuporta sa concert. Tuwang -tuwa daw siya at wala siyang masabi.

Join our
Nora Aunor Yahoo Group to read reports from Noranians that attended the concert and download a couple of songs (mp3) from the Gold Concert.
Sabi nga sa The Buzz
Bongga Ka Guy!
From Abante Online - Rey Pumaloy, May 21, 2003

Muling pinatunayan ni Nora Aunor na may hatak pa siya sa mga tao nang dagsain ng kanyang mga tagahanga ang Gold concert niya last Saturday sa Araneta Coliseum.

Hanggang general admission ay punumpuno ng tao ang concert na ito ni Nora. Understandable ang mga bakanteng upuan sa likod at gilid ng stage dahil wala nang makikita ang mga tao.

Nakapangingilabot matunghayan ang presence ng ilan sa mga audience ni Guy.

May mga matatanda na. �Yung iba ay naka-wheelchair na sa sobrang katandaan na ewan namin kung nakikilala pa nila ang superstar. Ang iba, dala ng kapansanan ay nakasakay sa silyang de-gulong.

Sa unang dalawang awitin ni Guy, may mga nasulyapan kaming fans niya na nag-iiyakan, bagay na hindi namin nakita sa kahit anong concert dito sa Pilipinas. Naroon pa rin ang walang sawang tilian ng fans tuwing kakanta o magpapakwela si Guy.

Kapansin-pansing mas preparado si Guy sa kanyang mga awitin sa concert na ito. Hindi niya nakalimutan ang kanyang lyrics. Puro tama ang pasok niya sa intro ng bawat awitin niya. Simpleng-simple lang ang concert ni Guy. Walang masyadong bongga sa production numbers. Boses lang at karisma ang panghatak niya para maging matagumpay ito.

Hosted by www.Geocities.ws

1