If you have any comments regarding this website..

 

 

 

PINOY MARRIAGE JOKES

Cool tips for the married and the unmarried yet as well.....

UHAW* (Union of Husbands Afraid of Wives)
The foreign chapter of the fraternity of husbands
composed of :
YUKUZA(Yuko sa Asawa),
SANSUWI (Isang Sutsot, Uwi) at
UTIN (Unyon ng mga Tatay na Inaapi ng mga Nanay).....

When you say: "Ako ang tigas sa amin."
You really mean: "Ako ang tigas-saing ng kanin,
tigas-sampay ng labada at tigas-sundo sa eskuwela ng mga bata."

When you say: "Gagawin ko kahit ayaw ng misis ko."
You really mean: "Gagawin kong maghugas ng pinggan kung
ayaw niya, gagawin kong maglaba kung ayaw niya."

When you say: "Kapag sinabi kong hiwalay, HIWALAY!"
You really mean: "Hiwalay ang puti sa de-kolor at baka
kumupas ang labada."

When you say: "Lahat ng utos ko ay pasigaw."
You really mean: "Hoy bilisan mo naman iyang kape at
giniginaw na ako dito sa labahan!"

When you say: "Ako ang laging nasusunod!"
You really mean: "Oo, dear susunod na ako sa iyo sa palengke."

When you say: "Nakukuha ko siya sa isang salita!"
You really mean: "Honey, huwag mo na akong batukan at masakit!"

When you say: "Inaabot siya sa akin ng mura!"
You really mean: "'Ling naman, mura lang naman iyong
sapatos na bibilhin ko!"

When you say: "Nakukuha ko siya sa isang tingin!"
You really mean: "Hon, patingin naman ng periodiko
pagkatapos mong basahin."

When you say: "Kaya ko siyang paluhurin!"
You really mean: ". Paluhod niyang sinabing 'Hoy duwag, lumabas ka riyan
sa ilalim ng kama kungdi tatamaan ka sa akin!'"

When you say: "Hindi niya ako kayang paglabahin!"
You really mean: "Hindi puede kasi hindi pa ako tapos mamalantsa."

Battle of the Brainless

Host : Ano ang ginagamit na floatation device sa dagat upang hindi ka malunod?
Clue : starts with the letter "S" (salbabida)
Beep!!
Contestant : Sirena?
Host : Hinde! Hindi ito babae. Beep!
Contestant : Siyokoy?
Host : Hindi! Hindi ito lalake. Beep!
Contestant : Siyoke?

H : What is the national tree of the Philippines?
Clue : Starts with the letter "N" (narra)
C : Niyog?
H : Mas matigas pa diyan.
C : (In a strong-sounding voice) NIYOG!

H : Saang lugar anga pinupuntahan ng mga tao tuwing Lingo?
Clue : Nagsisimula sa letrang "L" (Luneta)
C : Laguna?
H : Malapit lang ito. Pinupuntahan ito ng mga magkasintahan.
C : La Loma?
H : Hindi, tahimik dito...
C : Libingan?
H : Hindi, malapit ito sa dagat...
C : Laot?

H : Sino ang pumatay kay Magellan?
Clue : "LL" ang kanyang initials. (Lapu Lapu)
C : Lito Lapid, Jr.?
H : Mali, Hindi pa buhay si Lito Lapid, Jr. noong panahon na yon
C : E, di si Lito Lapid Sr.?!
H : Another clue "inuulit-ulit ang pangalan n'ya.
C : Ahh LITO-LITO?
H : Mali!
C : LAPID-LAPID?!

H : Saan binaril si Jose Rizal?
Clue : "B" ang simula (Bagumbayan)
C : Sa back?
H : O sige, pwede rin na ang simula ay "L" (Luneta)
C : Sa likod?
H : Hindi pa rin. Para mas madali, "R.P" and initials ng modern name niya (Rizal Park)
C : Sa rear part?

H : Sino ang National Hero na may estatwa sa Monumento?
Clue : Ang initials niya ay "A.B." (Andres Bonifacio).
C : Alex Boncayao?
H : Hindi, nagtayo siya ng samahan na marami ang sumapi.
C : Alex Boncayao Brigade?

H : Saan tayo madalas pumupunta pag summer upang maligo?
Clue : Starts with "B" (Beach)
C : Banyo?
H : Hindi, pag pumunta ka doon, maaarawan ka.
C : Sa bubong?
H : Hindi, marami kang makikita doong mga babaeng naka-bikini.
C : Sa beerhouse?

Ang Amo at ang Katulong

Dalawang gabi nang napapasin ni Amo na ang kanyang repridyireytor(Refrigerator) ay laging naka-off pag gabi, kaya kinabukasan galit na galit na kinausap ni Amo si Katulong.

Amo: Inday (pangalan ng katulong), bakit dalawang gabi ko nang napapansin na naka-off ang ating pridyider? Hindi mo ba alam na masisira ang mga karne at isda sa priser.

Inday: Eh, Ma'am, kasi ayokong hong uminom ng malamig na tubig sa umaga.


Isang araw na naglilinis ang katulong nang bigla na lang na nag-ring ang telepono.

Amo: Paki sagot nga Inday ang telepono?

Inday: Yis sir

Inday: Hello - hello - hello (walang marinig na boses kasi baligtad ang hawak sa receiver)

Amo: (napansin ng amo na baligtad): BALIGTARIN MO

Inday: LLO - HE - LLO-HE - LLO- HE

Amo: (galit na galit na) : Hindi yan, ang ibig kong sabihin na baligtarin mo yung TELEPHONE...

Inday: PHONE-TELE , PHONE-TELE , PHONE-TELE...


Kring, kring.........
AMO    : Inday sagutin mo ang telepono baka kabit yan ng Sir mo!!!
INDAY : Si Ma'am talaga o.....pinapaselos ako!!!


Isang araw, nag-uusap yung dalawang mag-kaibigan, si Joey at si Mark.
Joey: Alam mo, Mark, talagang napaka-bobo ng katulong naming si Maria.
Mark: Wala iyan! Sinisiguro ko sa iyo, mas bobo yung katulong naming si Inday.

Nag-talo silang dalawa....

Joey: O sige, patutunayan ko sa iyo a. Watch this! MARIA, 'ALIKA RITO!
Maria: Yes sir! What can I do to you?
Joey: Eto piso, bumili ka ng apat na case ng beer.
Maria: Yes boss! Coming up!

Joey: O Mark, bilib ka na ba sa kabobohan niyan, piso--bibila siya ng apat na case ng beer.
Mark: Wala pa rin iyan kay Inday, ikaw naman ang manood....INDAY, 'ALIKA RITO SANDALI!
Inday: Yes Sir! Ano po iyon!?
Mark: Pumunta ka sa opisina ko, tignan mo kung nandoon ako....
Inday: Yes Sir! Pupunta na po ako!
Mark: O Joey, kita mo naman na mas bobo pa iyan kaysa kay Maria....

Later, nag salubong yung dalawang katulong.....

Maria: Inday, alam mo ang bobo talaga ng amo kong si Sir Joey....
Inday: Wala iyan....mas bobo si Boss Mark ko.

Maria: Hinde! Mas bobo si Sir Joey, isipin mo, binigyan ako ng piso para bumili ako ng APAT na case ng beer......e, alam naman niyang HINDI KO KAYA BUHATIN IYON NANG MAG-ISA!!!!!!!

Inday: Mas bobo naman si Boss Mark noh! Pinapupunta pa ako sa opisina niya para tignan kung nadoon siye....e, MAY TELEPONO NAMAN!


Takbong pumasok ng bahay si Inday. Pagud na pagod, pero masayang-masaya.
Nagmamayabang pa sa amo.

Inday: Sir! Sir! Nakatipid ako ng dos singkwenta.

Amo: Nakatipid? Paano?

Inday: Aba'y 'di ako sumakay ng dyip. Sumabay lang ako ng takbo. Kaya't
nakatipid ako ng two-fifty.

Amo: Bobo ka pala, eh. Kung taxi ang sinabayan mo, 'Di mas malaki ang
natipid mo!

Come back again for more pinoy jokes.........

HOME | PHOTOS | LINKS | MARIA'S PAGE | PHILIPPINES | AUSTRALIA | JOKES | KIDS 

  COPYRIGHT © 2001    P. RECIL. ALL RIGHTS RESERVED

Hosted by www.Geocities.ws

1