Cover Page

Acknowledgment

 

TABLE OF CONTENTS

Abstract Souls ('a novelette')

Alone

Archipelagic Short Stories Would Lead Us Nowhere

At The Funeral

Before Lunch

Bus

Dionysus

Di-Pinamagatan

Eating Eagles And Monkey, We Fly Across And

Finding Books

Out Of Season

Pleasure, Film, What, Has

Psychiatrist

Sincerely

The Primitive

Vexed

Who Cares For Markets

Bus 2 (unavailable)

Psychiatrist (Reprise)

 


 

ABOUT THE AUTHOR

 

 

Di-Pinamagatan
isang super-ikling kuwento

 

KABAYAN, kasama, kaibigan ko, smile! 'Sang munting parangal 'to sa mga aktibista noon na napaslang ng mga bidyilante rito. Hahaha.
    Pero hintay, medyo nakokonsiyensiya yata ako. 'Pag nabili 'to ako ang yayaman, di ba? Ang patay ay patay na. Drinowing ko nga, ipinagbili naman.
    Huwag na nating pagdiskusyunan 'yan, mukha yatang tatanungin mo pa kung sino ang mga bumibili nito.
    Alam mo naman 'yan e. Ang mga nakakaintindi sa peynting. Sino, 'kamo? Wel, 'eto na tayo, silang mga nakapag-aral ng tungkol sa mga bagay na 'to, silang sa mariwasang hinga ng buhay, na nakapag-aral sa mga kolehiyong . . . Alam mo naman ang kolehiyo; ngayon, dapat may pera ka talaga. Pero iba rin ang kolehiyong hayop talaga. Yung pang-tao, hindi tulad ng karamihan ng mga kolehiyo rito sa Marinduque, parang pang-baboy lang yata ang mga gusali.
    Ibig kong sabihin, huwag mo nang intindihin kung ano'ng ibig sabihin nito, baka masiraan ka lang. Ibig kong sabihin,

 

OKEY, nabingi ka na nga sa kasasama mo sa giyera. Ano bang giyera? Giyera niyo. NPA kayo noon, AFP sila. Pero ito talaga, pare, kaya kita inimbita rito, tutal surenderi ka na naman, e, at wala na ang giyera . . . ito talaga ang iskor. Itatanong ng mga kritiks, totoo ba'ng NPA 'yan no'n, 'yang pineynting mo? So, sasabihin ko, aba siyempre, ito si Ka K-, kilala sa bayan ng F- sa Marinduque bilang si Alfredo Ong, anak ng 'sang mayamang intsik 'ron, na naging NPA! Surenderi na siya ngayon (at wala na ang giyera), nabingi sa di-malamang dahilan, at inimbita ko siya sa kubo ko sa Boac para ipeynting ang mukha niya bilang porgrawnd (hindi bakgrawnd, ha, porgrawnd) sa portreyt kong 'to ng mga aktibistang pinaslang ng mga bidyilante rito, bilang parangal sa kanilang mga pinagpaguran. Hahaha. . . .
    Pero alam mo, Ka K-, tulad ng sabi ko kanina tungkol sa mga kolehiyo, kung mayaman lang kami tulad niyo, siguro natapos ko ang payn arts. Siguro paborito na ako ngayon ng mga galeri. Ikaw, mayaman kayo, sana di ka na lang sumama sa mga rali noon, etsetera; tapos, bigla na lang, nando'n ka na sa bundok, "nakikibaka", o nakikikatay ng kalabaw, sus ginoo. Ambisyoso ka kasi. Tingnan mo 'ko, kami nga ang mahirap, pero ako nagsikap ha. Ako'y dahan-dahang umakyat, ha. At ngayon. Ako'y kilala na rin nang konti, kahit pa'no. Ikaw? Ako, kuntento.
    Pero kaibigan tayo ha, King Kong. Kaya lang naman ako patawa-tawa rito, hahaha, patawa-tawa ro'n, dahil ako rin naman nagngalit. Ako rin naman ay namatayan. Gusto mo bang tuwing naaalala ko si Carmencita ko, 'to, 'to o, tingnan mo hayop ka, 'tong sa gitna -- 'yan -- 'yan siya, ang ganda ng kulay, 'no; eniwey, gusto mo ba iiyak ako tuwing naaalala ko 'yang si Carmencita ko? Pero hindi kita sinisisi, ha, King Kong. Alam mo namang sumama siya, si Carmencita ko, sa mga rali sa sarili niyang hilig. Ang nanay niya, walang nagawa. Kaya kami nagkahiwalay no'n e, hindi marunong mag-asikaso sa mga anak niya. Kaya ganito:
    Patawa-tawa ako, K-. Ano'ng magagawa ko. Yunow, ako rin nu'n galit sa mayayaman e. Hindi ko sinasabing galit ka, ha. Pero, eniwey, in may keys, nilabanan ko sila. Ako'y naghirap! Pero ako'y umakyat, dahan-dahan! Natutong mag-Ingles, on may own! Tingnan mo ako ngayon. Ikaw?
    Ako, kuntento.

 

 

 


Cover Page | Acknowledgment | Abstract Souls ('a novella') | Alone | Archipelagic Short Stories Would Lead Us Nowhere | At The Funeral | Before Lunch | Bus | Dionysus | Di-Pinamagatan | Eating Eagles And Monkey, We Fly Across And | Finding Books | Out Of Season | Pleasure, Film, What, Has | Psychiatrist | Sincerely | The Primitive | Vexed | Who Cares For Markets | Bus 2 | Psychiatrist (Reprise) | AFTERWORD: Vicente Interviews Himself | About the Author


Copyright © 1999 V.I.S. de Veyra. All rights reserved. Readers are welcome to view, save, file and print out single copies of this work for their personal use. No reproduction, display, performance, multiple copy, transmission or distribution of this work, or of any excerpt, adaptation, abridgement or translation of same, may be made without written permission from Down With Grundy, Publisher. Any person who does any unauthorised act in relation to this work will be liable to criminal prosecution and civil claims for damages.

Hosted by www.Geocities.ws

1