Makati (o, Business District ng Paningin)

 

May makata sa iyong
natatawa sa isang taong
payat. O di kaya'y

may makata sa iyong
natatawa sa mga taong
matataba.

May mga makata
namang natatawa,
hindi dahil ika'y payat
o mataba, kundi dahil
ika'y maitim, bobo, may
pagkatanga, bakla,
babae, intsik, mabaho,
di-marunong mag-Ingles,
o di kaya'y mahirap lang.

Salamat. At may makata
pa namang nagpapatawad,
kahit sa kapwa makata

tulad ng mga nasa itaas.

 

 

 







Copyright © 1999, 2004 Vicente-Ignacio Soria de Veyra. All rights reserved. Readers are welcome to view, save, file and print out single copies of this webpage for their personal use. No reproduction, display, performance, multiple copy, transmission, or distribution of the work herein, or any excerpt, adaptation, abridgment or translation of same, may be made without written permission from the author. Any person who does any unauthorized act in relation to this work will be liable to criminal prosecution and civil claims for damages.

HIT YOUR BROWSER'S "BACK" BUTTON TO GO BACK TO TABLE OF CONTENTS

Hosted by www.Geocities.ws

1