Ang Mata, Tainga, Puso, Kamay, at Paa
bilang mga Simbolo sa Bibliya

Pagpapaliwanag

Ang MATA at TAINGA ay mga simbolo ng ating pagtingin sa mundo, sa ating sarili, sa ating kapwa, at sa Diyos. Ang PUSO ang luklukan ng pagpapasiya. Sa Bibliya, ang "puso" ay ginagamit bilang pagsasalarawan ng pag-iisip. Ang KAMAY at PAA ang pagsasalarawan ng Estilo ng Buhay: Gawa (Kamay) at Direksyon ng Buhay (Paa)

Kung ano ang nakikita sa mga MATA at naririnig sa TAINGA ay dapat pumasok sa PUSO. At kung ano ang pumapasok sa PUSO ay dapat na makita sa GAWA (Kamay) at sa PAGSUNOD (PAA) sa Panginoon.