* * * Kabataang Makabayan

 * Home
 * History
 * Statements
 * Publications
 * Documents
 * Images
 * Art and culture
 * Feedback
- Links -
 * PRWC
 * NDFP
 * FAND

This is the official website of the Kabataang Makabayan, revolutionary NDFP member organization of Filipino youth. Maintenance is done by the KM National Secretariat.

Maikling balik-tanaw sa kasaysayan ng KM

(mula sa Ang Aktibista, Agosto 2002)

Ang KM ay itinatatag noong ika-30 ng Nobyembre 1964, ika-101 taong kapanganakan ni Andres Bonifacio, sa YMCA auditorium. Ang petsa ng pagkakatatag ng KM ay hindi lamang paggunita kay Andres Bonifacio at ang papel na ginampanan ng Katipunan sa Rebolusyong Pilipino. Mas mahalaga pa ang pagkilala sa tungkulin na ipagpatuloy at kumpletuhin ang nabalam na rebolusyon sa bandila ng pambansang demokrasya sa ilalim ng pamumuno ng uring proletaryo.

Ang KM ang kauna-unahang organisasyon ng kabataang Pilipino na may malinaw, tumpak at kumprehensibong pambansa-demokratikong programa. Sa lahat ng kanyang mga aktibidad ang KM ay puspusan at militanteng nilalabanan ang tatlong pangunahing suliranin ng sambayanang Pilipino - ang imperyalismo, pyudalismo at burukratang kapitalismo - at mahigpit na sumasanib sa pakikibaka ng masang anakpawis.

Mayroon lamang 84 na charter members sa kongreso ng pagtatatag ang KM. Ang mga charter members ay pangunahing nagmula sa mga estudyante ng kolehiyo at mga kabataang manggagawa. Sila ang mga ubod ng kabataan-estudyante at kabataang manggagawa na napanday sa mga grupo ng pag-aaral at mga aksyong masa sa maagang bahagi ng dekada 60.

Ang kalakhan ng mga estudyante na myembro ng KM ay galing sa University of the Philippines at Lyceum of the Philippines. Sila ay mga kasapi at mga namumunong elemento ng iba�t ibang organisasyon sa pamantasan tulad ng konseho at publikasyon ng mag-aaral, Student Cultural Association of UP (SCAUP) at iba pa. Sila rin ang mga lider ng iba�t ibang pambansang organisasyon ng estudyante.

Ang mga kabataang manggagawa na kasapi ng KM ay galing sa Lapiang Manggagawa, partikular ang mga unyon na nasa ilalim ng National Association of Trade Union (NATU). Ang mga kasaping ito ang mga lider ng unyon na may karansasan sa pakikipagkaisa sa kabataang estudyante sa mga aksyong masa, partikular ang demonstrasyon ng Oktubre 2, 1964 sa Malakanyang laban sa pagpapaka-tuta ni Macapagal sa imperyalismong US na patagalin pa ang Parity Amendment at ang Laurel-Langley Agreement.

Pagkatapos ng kongreso ng pagtatatag, maraming mga lokal na balangay ng KM ang naitatag sa iba�t ibang paaralan sa Manila-Rizal, Gitnang Luzon at Timog Luzon. Nagsimula na ring sumapi ang mga kabataang guro at mga propesyunal.

Mabilis na lumaganap ang prestihiyo at impluwensya ng KM laluna�t ng pinamunuan nito ang 15,000 mamamayan sa demonstrasyon sa Embahada ng Estados Unidos noong ika-25 ng Enero 1965. Ito ang kauna-unahang anti-imperyalistang demonstrasyon simula dekada 40.

Pambansang Pagpapalawak at ang FQS ng 1970

Mabilis na lumawak sa pambansang saklaw ang KM. Ang mga kabataang manggagawa at estudyante na kasapi ng KM sa Manila-Rizal ay hinikayat na bumisita sa kani-kanilang mga probinsya upang maglunsad ng mga grupo ng pag-aaral at pukawin ang mga kabataan - pangunahin na ang kanilang mga kamag-anak at kaibigan - na magtayo ng lokal na balangay ng KM.

Naging matagumpay ang ganitong pamamaraan ng pagpapalawak sa mga probinsya at mga syudad. Tampok na mga halimbawa rito ay ang pagkakatatag ng mga balangay sa syudad ng Pampanga, Laguna, Batangas at Quezon. Ang mga balangay na ito ang magsisilbing batayan para sa estratehikong pagpapalawak at konsolidasyon ng KM sa kanayunan.

Ang mga unyon ng mga manggagawa at asosasyon ng mga magsasaka ay tumulong din sa pag-abot pa sa kabataan sa iba�t ibang bahagi ng bansa. Sa mahigpit na ugnayan sa Socialist Party of the Philippines at sa Malayang Samahan ng Magsasaka, ang KM ay nasa posisyon para magbuo ng mga balangay nito sa hanay ng manggagawa at magsasaka.

Ang KM sa Gitnang Luzon ang kauna-unahang nakapaglunsad ng panrehiyong kumperensaya sa Republic City College sa Angeles City nuong 1965 at sumunod ang Timog Luzon sa Batangas City Auditorium nuong 1966.

Subalit ang pinakamabisa at mabilis na paraan ng pagpapalawak ng kasapian ng KM ay sa pamamagitan ng paglulunsad at pamumuno sa mga pakikibakang masa upang masaklaw at malawakang maorganisa nila ang masang kabataan.

Sa panahon ng 1965-1966 ang KM ay malimit na naglulunsad ng mga kampanya at akyong masa laban sa imperyalismong US at sa mga lokal na papet nito, at sa iba�t ibang isyung pambayan. Tampok sa mga pagkilos na ito ay ang rali laban sa Manila Summit ni Lyndon Johnson at ang kanyang mga papet sa Asya noong Oktubre 23, 1966. Naglunsad din ito ng mga rali laban sa digmang pananakop ng US sa Byetnam at ang pakiki-alam ng Pilipinas sa nasabing gyera.

Ang mobilisasyon ng Oktubre 24, 1966 ay marahas na sinalakay ng mga tropang militar ni Marcos at naglunsad ng kanyang paninira sa mga lider ng nasabing pagkilos. Subalit hindi nito kayang takutin ang kabataan. Nilabanan nila ang kampanyang pananakot ni Marcos at inilunsad ang October 24th Movement. Sa ngalan ng nasabing kilusan, mas maraming kumperensya ng mga kabataan ang nailunsad at mas maraming militanteng pagkilos ang kumondena sa karahasan at pagkatuta ni Marcos.

Kahit ang mga mag-aaral ng Philippine Military Academy ay naakit na lumahok sa KM. Sa maagang bahagi ng 1966, ang mga junior at senior classes ay nilabanan ang kanilang mga opisyal at inimbitahan ang Tagapangulo ng KM, na si Jose Maria Sison, na magsalita sa kanilang hanay hinggil sa tamang konsepto ng pambansang seguridad.

Pumutok din ang mga kampanya at mga aksyong masa sa mga paaralan upang labanan ang mga reaksyunaryong patakaran sa sistema ng edukasyon-pagtaas ng matrikula at ang nabubulok na serbisyo sa mga paaralan. Noong 1968-69 ang kilusang protesta ng mga estudyante ay kumalat na sa buong bansa.

Maraming mga organisasyon ang sumapi sa KM at sa kilusan para sa reporma sa kampus tulad ng Movement of Student for Reforms (FEATI), Lyceum Student Reform Movement, Samahang Molave (PUP) at iba�t ibang organisasyon sa UE, FEU, San Beda College, Philippine College of Criminology, PSBA, St. Theresa�s College at marami pang iba.

Sa mahigpit na pakikipag-ugnayan sa masang anakpawis, nakatulong rin ang KM sa pagbubuo ng mga progresibong unyon at transpormasyon ng iba pa sa pamamagitan ng mga kabataang manggagawa na kasapi ng KM na kalimita�y dominante sa mga empresa. Kalauna�y maraming mga unyon ng manggagawa ang magbubuo ng dalawang mayor na pederasyon ng mga manggagawa sa pagpasok ng dekada 70.

Gayundin, nakipagtulungan ang KM sa Pagkakaisa ng mga Magbubukid sa Pilipinas sa paglulunsad ng malaking demonstrasyon sa Manila noong Abril 11, 1969 na nilahukan ng mahigit 20,000 katao. Ang pinakamalaking delegasyon ng mga magbubukid ay nanggaling sa Tarlac na noon ay base na ng Partido Komunista ng Pilipinas at ng Bagong Hukbong Bayan.

Sa panahon ding ito inilunsad ng KM ang Pambansa Demokratikong Paaralan at ginamit na batayang dokumento ng pag-aaral ang librong Makibaka para sa Pambansang Demokrasya (SND) na unang nalimbag nuong 1967. Ang pag-aaral sa mga akda sa SND ang nagpalalim ng pag-unawa ng mga aktibista ng KM hinggil sa linya ng pambansa demokratikong rebolusyon.

Signipikanteng bahagi ng umaabanteng aktibista ng KM ang sumapi sa Partido noong 1968 at sa BHB noong 1969. Malaki ang naging ambag ng KM sa pambansang paglalatag ng rebolusyonaryong kilusan.

Sa pagpasok ng 1970 pumutok ang krisis ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Ang direksyon ng paghahari ng pangkating Marcos ay tungo sa isang lantad na pasistang diktadura.

Sumiklab ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970 nang marahas na salakayin ng mga tropang militar ang mga nagpo-protestang kabataan at mamamayan laban sa rehimeng US-Marcos sa harap ng Kongreso noong Enero 26, 1970 at sa harap ng palasyo ng Malakanyang noong Enero 30-31 1970. Sa halip na matakot ay sinagot ang pasismo ng rehimeng US-Marcos ng sunod-sunod at papalaking mga aksyong masa.

Sa loob ng tatlong buwan naglunsad ang kabataan at mamamayan ng iba�t ibang tipo ng protesta na nilahukan mula 50,000 hanggang 100,000 demonstrador. Ang mga dambuhalang aksyong masa ay hindi kayang pigilan ng rehimeng Marcos - ng kanyang pananakot ng masaker at mga brutal na pananalakay sa mga kilos protesta na ikinamatay ng ilang mga demonstrador. Umapaw pa nga hanggang sa mga probinsya ang lumalagablab na apoy ng pambansa demokratikong kilusang masa.

Naganap ang Sigwa dahil sa matiyaga at puspusang pagsisiskap ng KM sa gawaing pang-ideolohiya, pampulitika at pang-organisasyon sa buong panahon ng dekada 60 sa hanay ng kabataan at mamamayan. Ang KM ang nagsilbing matatag na bag-as at pinakamalakas at konsolidadong organisasyon ng kabataan ng Sigwa.

Sa gitna ng rumaragasang kilusang masa, itinatag ng KM ang Movement for a Democratic Philippines, isang organisasyon ng nagkaka-isang prente upang palaparin pa ang napapakilos na mamamayan laban sa rehimeng US-Marcos at gayundin laban sa panggugulo ng mga kleriko pasista at ng rebisyunistang Lava.

Liban sa KM, marami pang pambansa-demokratikong organisasyong masa ang nagmartsa sa unahan ng Sigwa: Samahang Demokratiko ng Kabataaan (SDK), Kilusang Kabataan para sa Demokrasya (KKD), Samahan ng Progresibong Kabataan (SPK)-Molave at Makabayang Samahan ng Bagong Kababaihan (MAKIBAKA). Marami rin ang mga nabuong organisasyon tulad ng KKKP (Kilusang Kristiano ng Kabataang Pilipino), STAND (Student Alliance for National Democracy) Alithea, Samahang Radikal at iba pa.

Ang Sigwa ng Unang Kwarto ng 1970 ang panandang bato ng katumpakan ng muling pagsigla at pagsusulong ng rebolusyon Pilipino. Ang pambansa-demokratikong pundasyong ito ang magbibigay ng direksyon sa tuloy-tuloy at komprehensibong pag-abante ng buong rebolusyonaryong kilusan at ng KM kahit pa sa madilim na paghaharing militar ng pasistang diktadurang US-Marcos.

Ang batas militar at ang lihim na pagkilos ng Kabataang Makabayan

Nang ipataw ng pasistang rehimeng US-Marcos ang batas militar noong Setyembre 1972, ito�y hudyat ng kanyang desperasyon. Naging malinaw ang kabulukan ng malakolonyal at malapyudal na lipunang Pilipino. Patunay ito na hindi na kayang maghari sa lumang paraan ang mga naghaharing uri.

Pansamantala lamang ang naging epekto at dislokasyon ng batas militar sa operasyon ng KM. Bago pa man ay nakapaghanda na ang maraming opisyales at kasapi nito. Ang islogang �Digmang bayan, sagot sa martial law!� ay unti-unting nagkakahugis sa maramihang pagtatalaga sa mga kasapi ng KM na gumampan ng gawain sa kanayunan.

Nang buwagin ang pambansang istruktura ng KM noong 1974 dulot ng mahigpit na kalagayan ay nagsimula naman ang sistematikong pagtatalaga ng mga liderato at kasapi sa kanayunan. Maraming miyembro ng KM ang direktang gumampan ng gawaing masa sa hanay ng magsasaka, naging mga Pulang mandirigma ng Bagong Hukbong Bayan at mga panimulang ubod ng organo ng kapangyarihang pampulitika sa kanayunan. Naging mahigpit itong katuwang ng Partido sa lumalaking gawain sa rebolusyon.

Kahit sa harap ng napakahigpit na kalagayan, nagpunyagi pa rin sa gawain ang mga kasapi ng KM. Nagpatuloy, partikular sa NCR, ang gawaing pag-oorganisa sa mga kabataang-estudyante. Hindi naging balakid ang lihim na pagkilos nito. Naging lunsaran ng mga propaganda at pagpapakilos ang mga ligal na tradisyunal na organisasayon ng mga estudyante. Sa UP pinakamasigla ang gawain sa mga estudyante. Nakapagbuo rin ng mga alyansa.

Nang pumutok ang pagtaas ng matrikula noong 1977, aktibong lumahok at pinamunuan ng KM ang mga pagkilos. Sumigabo muli ang pagpapakilos sa mga lansangan at mga paaralan. Pumutok ang kilusang boykot at nakapagpakilos ng mahigit 200,000 estudyante sa lahat ng malalaking pamantasan sa NCR.

Subalit ang momentum ng nagsisimula pa lamang na pagbangon ng kilusang kabataan-estudyante ay maagang madidiskaril pagdating ng 1978 nang ibangga ni Felimon Lagman ang kanyang kanang islogan na paglahok sa eleksyon sa IBP at ang kaliwang pamamaraan ng pagkondukta ng mga mobilisasyong masa. Malaking bahagi ng organisasyon ng rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante ay tinamaan ng kaguluhan na ito.

Panahon ng paglihis at paghina ng rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante

Sa pagpasok ng dekadang 80 ang pamalagiang krisis ng naghaharing sistema ay lalu pang lumala. Higit pang sinindihan ito ng pampinansya at pampulitikang krisis na humambalos sa malakolonyal at malapyudal na lipunan. Sa gitna nito ay patuloy pa rin ang kasiglahan ng kilusang kabataan-estudyante.

Sa maagang bahagi ng dekada 80 ay pumutok ang kilusan para sa demokratikong reporma sa mga paaralan. Sumaklaw ang rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudayante sa buong bansa. Pinakamalakas ito sa NCR at nakalatag sa lahat ang sentrong urban. Ilang doble ang laki at lakas kumpara sa ikalawang hati ng dekada 70. Dulot ito ng momentum ng huling mga taon ng dekada 70 at pagtalima sa wastong linya ng pambansa-demokratikong rebolusyon.

Subalit ang mga naipundar na lakas ay nalustay sa pagtahak nito sa repormismo at mga gasgasang pakikibaka. Sa mga paglihis at pagkakamali di lahatang panig na nakapagpalakas at wastong nakapagpaunlad ng gawain ang KM sa rebolusyonaryong kilusan hanggang sa tuluyan na itong lumayo sa landas ng digmang bayan at tamaan ng malalaking mga pinsala.

Tampok sa mga naging kamalian ng rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante at ng KM ay ang paglikida nito sa pamumuno ng uring manggagawa sa pamamagitan ng Partido nang angkinin nito sa kanyang Ika-apat na Pambansang Kongreso ang pamumuno sa rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante at pagiging partikularista sa kanyang oryentasyon.

Sa pagkahumaling sa intensipikasyon ng mga pakikibaka sa urban at mga gasgasang kondukta ng mga aksyong masa, patuloy na lumayo ang RKKE at KM sa landas ng pambansa-demokratikong rebolusyon sa pamamagitan ng matagalang digmang bayan. Ang pinakamasahol na epekto ng mga paglihis sa linya ay ang paghinto ng pagtatalaga ng mga kadre�t aktibista ng KM at mga edukadong kabataan sa kanayunan.

Kilusang Pagwawasto at Muling Paglakas

Nang ilunsad ng Partido ang Ikalawang Dakilang Kilusang Pagwawasto, mainit ang naging pagtugon dito ng rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante at ng KM. Naging inspirasyon ang pagpuna ng Partido sa mga kamalian dulot ng pagmamadali at ang muling pag-aaral sa mga batayang prinsipyo ang nagpa-alab muli sa kapasyahan ng KM na taluntunin ang landas ng armadong rebolusyon.

Buo ang kapasyahan na tumugon sa panawagan ng Partido para sa kumprehensibo at lahatang panig na pagwawasto, nanawagan ang pambansang liderato ng KM sa lahat ng kasapian nito na pag-aralan ang mga batayang dokumento ng muling pagtatatag ng Partido at ang mga dokumento ng kilusang pagwawasto. Naging daluyan din ng panawagan ng kilusang pagwawasto at ng Partido ang mga pahina ng Kalayaan.

Dahil sa pagbabalik sa wastong linya ng pag-abante, muling naibalik sa maagang bahagi ng dekada 90 ang pagtatalaga ng mga aktibista sa kanayunan. Simula 1990 hanggang 1996 ay nakapagtalaga na muli ng humigit kumulang na 200 kadre�t aktibista ang rebolusyonaryong kilusang kabataan-estudyante; 50 rito ay gumagampan ng mga responsable at namumunong papel sa pagkokonsolida ng mga larangang gerilya sa kanayunan.

Nakapagtalaga na rin ang RKKE ng malaki-laking bilang ng mga kadre�t organisasdor sa hanay ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa. Bukod dito ay mahigpit na nagiging katuwang ng rebolusyonaryong kilusang manggagawa ang kabataan at estudyante sa kanilang mga pakikibaka at pag-oorganisa. Tumutulong ang KM at ang kilusang kabataan at estudyante sa pagbibigay ng mga pag-aaral hinggil sa lipunan at rebolusyong Pilipino. Sa kabilang banda naman ay natututo sila sa buhay at pakikibaka ng masang anakpawis. Gayundin, kasama tayo ng mga manggagawa sa pag-oorganisa sa iba pang mga maralita sa mga komunidad.

Hosted by www.Geocities.ws

1