AlterNATIVE

LISELLE CUSTODIO'S SITE
REMINDERS
This site is authorized to white_ninja because of some certain reason. If there are any complications, just e-mail me. See LINKS page
NEWS
..::nothing::..
..::here::..
INFORMATION
REAL NAME:
Liselle Custodio

AGE:
13

BIRTHDAY:
April 15

OCCUPATION:
student

SCHOOL:
School of the Holy Spirit

LIKES:
purple, seven, music, rockmusic, t.v., computer, anime, food, asteeg things, etc...
............................




FAVORITES

FAVORITES - ..:: Mga bagay na paborito ko ::..


    Dito sa section na ito makikita ang aking mga paboritong bagay.


BARNEY ..:: my favorite thing ::..


BARNEY

..:: Wala munang picture ngayon ::..

 

    Ang pinaka hindi ko pagpapalit na kayamanan ay ang aking Barney. Siguro alam niyo naman na Barney the loveliest purple dinosaur in the whole world. 10 taong na si Barney sa aking pangangalaga. Wala na nga siyang kalahating mata, tapos ginupit ko pa yung ngipin niya kasi kala ko tutubu . (7 lang ako ng ginupit yon!), kulang kulang na ang balahibo ni Barney dahil sa sobrang luma. Tapos punit na leeg niya kasi napupunit kung pinanggigigilan ko siya (kasi natutuwa ako sa muka ni Barney). Sa totoo lang may birthday na siya. Ginawan ko siya noong bata ako. May 25 ata.

    Ano bang pakinabang ni Barney sa Akin?

    Tuwing nalulungkot ako pag nakikita ko siya natutuwa ako bigla. Kasi nakakatawa yung pagsmile niya sa kin. Mukang Barney na bunge. Hindi ako makatulog kung wala siya. Lagi akong nagigising kung nahulog siya mula sa kama. Minsan na-o-Oti ako sa kanya.


PURPLE ..:: my favorite color ::..


PURPLE

<

 

Baket ko gusto ang kulay na purple?

    Siguro isang dahilan ay si Barney pero ang tunay na dahilan ay si Akira Sendoh ng SlamDunk. Yung sapatos niya kasi purple eh nagandahan ako. Tapos nagwapuhan ako sa kanya. Nabaitan pa kaya gustong gusto ko ang seven at purple.


COMPUTER ..:: my favorite electronic ::..


COMPUTER

..:: Wala munang picture ngayon ::..

 

    Ang computer ay isa sa mga pinaka kinakailangan ko para mabuhay. Hindi ko matagalan na hindi ito gamitin kahit isang araw lang. Parang buong buhay ko kasi nakapalibot sa computer. Mula bata ako nakatapat na ako sa computer buong araw! kaya lagi akong sinesermonan ng nanay ko.


SEVEN 7 ..:: my favorite number ::..


SEVEN

7

 

Baket gusto ko ang number seven?

    Gaya ng date, si Sendoh pero isa rin sa mga dahilan ay ang pagiging swerte nito.


SOFTBALL ..:: my favorite sport ::..


SOFTBALL

..:: Wala munang picture ngayon ::..

 

   Aksidente lang na naging favorite sport ko to noung grade 5 nag try-outs ako kasi nagtry-outs din si Mmichelle. Di ko naman inaakala na papasa hangang kinalakihan ko na yung sport at minahal ko na rin.


FRIDAY ..:: my favorite day ::..


FRIDAY

    Kadalasan pag weekday nakakapagod pero masaya. Pag Saturday naman maraming pinagagawa si mama. Pag Sunday mag mamarket kami sa Wet Market tapos mass. Ang Friday nasa gitna ng lahat. Balance lagi ang schedule kasi school tapos pag-uwi sa bahay pahinga at nood ng T.V. kasi wala namang school pag Saturday. Kaya naman naging masaya ang Friday. Panahon para magpahinga at magsaya.


GUITAR ..:: my favorite instrument ::..


GUITAR

..:: Wala munang picture ngayon ::..

 

   Ang guitar ay hawa ng kapatid ko sa akin kasi lagi kong naririnig. Kaya naman di nag tagal at nahiligan ko na rin.

Hosted by www.Geocities.ws

1