Sanlakas


Home

Our Representative  

News & Events

Press Releases

Educational Discussion

Photo Gallery

Campaign Poster

Links

Archives

About SANLAKAS


 

SANLAKAS National Office:

 

150 K-6th St. 

Brgy. East Kamias  

Quezon City, Philippines  

Tel.: (632) 433-8377

        (632) 

Fax: (632) 426-2422

E-mail: [email protected]


Home


SANLAKAS is a multi-sectoral and party-list organization established to protect and advance the rights and welfare of the Filipino masses through their involvement in the mass movement.

 

SANLAKAS is open to exploring all possible avenues for conflict resolution. Moreover, we see great opportunities in diversified courses of action, apart from and together with, the traditional forms of protests. 

 

November 21, 2003 Alternatiba! Mob

ISANG ALTERNATIBA LABAN SA ELITISTANG PAGHAHARI

Posted: November 22, 2003 2339


Nagbabanta ang mga senyales ng mabilis na pagkalugmok ng lipunang Pilipino sa kabila ng "kaunlarang" ipinangangalandakan ng administrasyong Arroyo.

Milyun-milyon ang walang trabaho. Ilampung-libo taon-taon ang nawawalan ng trabaho bunga ng pagsasara ng mga pabrikang tinatalo ng matinding kompetisyon sa pandaigdigang kalakalan. Walang trabaho ang mga bagong gradweyt. Dinudurog ng globalisasyon ang lokal na industriya at agrikultura. Lumiliit ang tunay na halaga ng sweldo dahil sa pagtaas ng cost of living. Lubog sa utang ang mga magsasaka at ang kanilang lupa ay napupunta sa mga usurero at nababawi ng mga landlord. Demolisyon at kawalang serbisyo ang araw-araw na problema ng maralitang lungsod. Bagsak din ang kabuhayan ng mga mangingisda at iba pang maralita sa kanayunan.

Walang matinong serbisyo dahil kalahati ng badyet ng gubyerno ay napupunta lang sa pambayad utang.

Tinutupok ng apoy ang buong lipunan. Pero sa halip na apulain ang sunog, ang mga elitista sa loob at labas ng poder ng kapangyarihan ay abala sa kanilang paksyunal na labanan na siyang dahilan ng paglala ng krisis sa ating bansa.

Sa muling pagkakataon, tayong mga maralita ay pagpipiliin kung sino sa mga paksyon ng mga elitista ang ating susuportahan. Gaya ng mga nagdaang pag-aalsa sa Edsa, ginamit lang ng mga trapo't elitista ang diskontento ng masa para isulong ang kanilang pansarili't pampulitikang interes na manatili o mang-agaw ng kapangyarihan.

Ipinakita ng tangkang impeachment kay Davide ang matinding sigalot ng magkakaribal na paksyon ng mga elitista. At magtutuloy ang mas malalang bangayan ng mga ito kahit na may eleksyon sa Mayo.

Ito ang dahilan kung bakit wala sa mga karibal ni Gloria ang pumapansin sa alok niyang rekonsilyasyon. Hindi makikinig ang ibang paksyon ng mga elitista sa isang sinungaling na alam nilang walang ibang interes sa ngayon kundi ang manatili sa poder.

At mas lalong walang katuturan ang rekonsilyasyong ito sa hanay ng masa. Dahil mismong ang interes ng masa ang pinagtaksilan ni Gloria ng magpakatuta siya sa Amerika at sa mga patakaran ng neoliberal na globalisasyon.

Ang nakakaalarma ay habang nag-aalok ng rekonsilyasyon, mabilis namang umuusbong ang pasistang sungay ni GMA. Sa halip na matiyagang negosasyon sa krisis, walang-awang pinaslang sina Capt. Villaruel at Lt. Ricardo Catchillar sa NAIA control tower. Nasundan ito ng marahas na dispersal sa isang rali sa Ayala noong Nobyembre 12. Kamakailan lang, itinatag ang 6,000 NCR Command na kahalintulad ng Metrocom ng diktadurang Marcos. Pang-kontra daw ito sa mga coup plotter, terorista at komunista. 

Gayung mas malamang, ito ay pwersang sisikil sa ating karapatan - kabilang na ang lehitimong protesta na ginagarantiyahan ng Konstitusyon.

Para sa taumbayan, sobra na ang mga kabulukan ng lipunan dahil sa elitistang paghahari. Tama na ang walang katapusang paligsahan ng mga trapo.

Sawang-sawa na tayo sa elitistang gubyerno na tuwi-tuwinang tumatalikod sa mga pangako, sa kapalpakan ng mga trapo na pamunuan ang bansa, sa kanilang kabiguang lagpasan ang pansariling interes at unahin ang kapakanan ng masa. Ang matinding alitan ng mga trapo sa nagdaang mga buwan ay lumusaw sa kredibilidad at awtoridad ng mga elitista na patuloy na maghari sa ating bansa.

Ang pag-asa ng bayan, kung gayon, ay wala sa mga elitista kundi sa isang alternatiba ng mamamayan - isang alternatibang plataporma na tutugon sa mga problema ng taumbayan at isang alternatibang liderato.


Ayaw namin kay GMA at iba pang trapo!

Ayaw namin sa military junta!

Wakasan ang elitistang paghahari!

Ipaglaban ang demokratikong gubyerno ng mamamayan!


Join SANLAKAS Mailing list
Join sanlakaspipol e-Group! Click here


News Updates

November 21, 2003

Alternatiba! launched today in a big rally near Malacaņang


November 20, 2003

Workers to hold political walkout tomorrow


November 18, 2003

People's Summit tomorrow, big Ayala rally on Thursday


November 17, 2003

Unprincipled concessions, sham reconciliation


November 14, 2003

  A Call for an Alternative against Elite Rule


October 27, 2003

WE WILL NOT BE A PARTY TO A GMA-DANDING DEAL

- Rep. JV Bautista


October 27, 2003

IN THE IMPEACHMENT COMPLAINT AGAINST CHIEF JUSTICE DAVIDE

- Rep. Rene Magtubo



Other News
Stop! the New Round Coalition
Click On Cancun Report!

Search the SANLAKAS website
TOP

Copyright Š 2003 SANLAKAS All Rights Reserved

1
Hosted by www.Geocities.ws