Home | Alberto Florentino In Phil.-Lit-In-English Canon

   AF's Sample Mini-Plays Index | Alberto Florentino In Cinema/TV/Theater

   Alberto Florentino & Academia | Alberto Florentino & Patrons

   Florentino's Kakanggata | Florentino's Cosmic Calendar (Newsletter)

   Florentino's Ilustrado.net (Artgallery) | Florentino 's RIZALIANA (Writings)

   Contact Me / Write Me



 

ALBERTO S. FLORENTINO's
R I Z A L I A N A   Page 2

 

Foreword to "Rizal's Other Poems"

Rizal's Other Poems

Ang Dalaga't Ang Binatilyo by Alberto Florentino

Rizal's Ultimo Adios in World Language Translation

 

 


 

ANG DALAGA'T ANG BINATILYO
by Alberto Florentino



**************************************************


ANG DALAGITA'T ANG BINATILYO
ni Alberto Florentino

Ang lihim na pag-iibigan nina
Pepe Rizal at Segunda Katigbak

Isinadula ni Alberto Florentino
batay sa "Memorias de un Estudiante"*
na sinulat ni Jose Rizal

© Karapatang-ari 2000 ni Alberto Florentino



Ang Eksena
:
Ang kalsada patungong Batangas. Makikita sa malayo ang isang binatilyo na nakasakay sa puting kabayo.

Tinig ng Taga-salaysay:
Noong kanyang kabataan, mula 1878 hanggang 1881, sumulat si Jose Rizal ng isang talambuhay, "Memorias de un Estudiante," tungkol sa kanyang buhay bilang isang mag-aaral sa Ateneo de Manila sa Intramuros, Maynila. Ginamit niya ang sagisag na "P. Jacinto."
      Ang sumusunod na madulaing tagpo na tawagin nating "isang dagli," na pinamagatang "Ang Dalagita't ang Binatilyo," kinatha ni Alberto Florentino batay sa nasabing talambuhay. Ang dula ay tungkol sa samandaling pakikipag-kaibigan at pakikipag-ibigan ng binatilyong si Pepe Rizal at dalagitang si Segunda Katigbak.
      Unang itinanghal itong maikling dula noong 1970s sa Rizal Park Open-Air Auditorium sa Luneta, sa direksiyon ng mandudula. Ang gumanap ay sina Ariosto Reyes sa papel na Pepe Rizal at Leila Florentino sa papel na Segunda Katigbak.


ANG DALAGITA'T ANG BINATILYO ni Alberto Florentino

Para kay Leila,
na siyang unang gumanap sa papel na Segunda




PANAHON: 1882
POOK: Sa harapan ng Colegio de Concordia sa Intramuros, Maynila

(Mangyayari ang eksena sa harapan ng Colegio de la Concordia sa Intramuros, Maynila, taong 1882. Sa likod, makikita ang iskwela. Isang maliit na glorietta na may iskayolang inuman ng mga kalapati. Isang bahay-kalapati at mga kalapati na naglisaw—nagliligawan, naghahabulan, naglalaro, at umiinum sa tubigan.)

(Si Pepe ay may 19 taong gulang at si Segunda, 16 o 17.)

(Si Segunda ay nakasuot ng isang saya na tinawag ngayong "Maria Clara." Papasok si Segunda na kasama ng ilan sa kanyang mga kaiskwela at kaibigan na nakasuot ng karaniwang uniporme ng kanila eskuwela.)



Kaibigan 1
. Naku, Segunda, ang ganda mo kanina!

Segunda. Kanina lang? Eh ngayon?

Kaibigan 2. At ang ganda mong sumayaw!

Segunda. Siempre naman!

Kaibigan 3. At ang guwapo din ng iyong katambal!
(Isang sandali)

Kaibigan 1. O, ano, Segunda, balitaan mo naman kami.

Kaibigan 2. Oo nga naman. Kailan ba?

Kaibigan 3. Tuloy ba?

Kaibigan 4. At siya na bang talaga?
(Isang sandali)

Kaibigan 2. Hindi ka pa ba magpapalit ng suot?

Segunda. Hinihintay ko si Pepe …

Kaibigan 3. Si Pepe? Bakit hindi si—

Kaibigan 4. Huwag mong sabihing—

Segunda. Hoy, huwag nga kayong mag-umpisa ng sali-salita. Walang ibig sabihin ito.

Kaibigan 2. Bakit nga ba si Pepe Rizal?

Segunda. Nangako ako na matapos ang velada, iguguhit niya ang aking larawan habang naka-suot ako nito.

Kaibigan 3. Ang suwerte mo sa mga kalalakihan, Segunda …

Segunda. Kaya … pagdating niya, iwan n'yo 'ko, ha?

Kaibigan 4. Kung iyan ba'ng gusto mo e …

Segunda. Alam naman ninyo na masyado siyang mahiyain. O, ayan na siya!

Mga Kaibigan (lahat sila). O sige— … Aalis na kami … Basta lang imbitahin mo kaming lahat sa malaking piging!

Segunda. Adios!

(Mag-aalisan silang lahat. Bubuksan ni Segunda ang dalang supot na puno ng mais at palay. Isasabog niya ito at papakainin ang mga kalapati.)

(Papasok si Pepe na nakasuot ng uniporme ng mga estudianteng lalaki: puting "amerikana serrada" at sombrero. May dala siyang ilang pirasong papel at mga lapis o krayola. Sa kanyang pagdating, mabubulabog ang mga kalapati.)

(Ilalapag ni Pepe ang kanyang sombrero sa damo at maghahanda siya sa pag-guhit. Hindi siya mapalagay.)


Pepe. Siyanga pala, Segunda …

Segunda. Ano 'yon, Pepe?

Pepe. Binabati kita sa inyong sayaw kanina.

Segunda. Salamat naman …
(Isang sandali)

Segunda. Matagal ba ito, Pepe?

Pepe. Hindi naman …

Segunda. Kasi … mainit itong suot ko. Ayaw mo ba ako iguhit sa aking uniporme?

Pepe. Mas maganda kung ganito'ng suot mo … Nagmamadali ka ba?

Segunda. Hindi naman. Baka biglang dumating ang aking sundo—

Pepe. Huwag kang mag-alala. Di ito magtatagal.

(Aayusin ni Segunda ang kanyang suot at ang kanyang pagkakaupo. Nakatayong pupuwesto si Pepe sa harapan, at mag-uumpisa ng pag-guhit. Habang gumuguhit, wala siyang kibo.)

Segunda. Pepe … sino ba’ng katipan mo?

Pepe. Huwag ka sanang malikot, Segunda.

Segunda. Ni hindi ba ‘ko maaaring magsalita?

Pepe. Maaari. Huwag ka lang masyadong malikot.
(Isang sandali)

Segunda. Ang tanong ko sa iyo … sino ‘kakong katipan mo?
(Mapapatigil sandali si Pepe.)

Pepe. A, wala… Wala akong katipan.

Segunda. Bakit naman? Wala ka bang napupusuan sa mga kadalagahan?

Pepe. Ah, basta wala.

Segunda. Bakit nga?

Pepe. Pagkat ni minsan … di ko pinag-isipan na ako—sa hitsura kong ito—ay papansinin ng sino mang dilag …

Segunda. Bakit naman?

Pepe. Sino sa kanila—lalo na ang mga maririlag—ang papatol sa akin?

Segunda. Bakit naman napakababa ng pagtingin mo sa ‘yong sarili?
(Isang sandali)

Segunda. Kung gusto mo, Pepe … ihahanap kita—

Pepe. Ng ano?

Segunda. Ng isang magiging katipan mo. Ang dami ko yatang mga kaibigan na kay gaganda! Pihong isa sa kanila ay mapupusuan mo … at mapupusuan ka rin.

Pepe. Imposible! Mahirap mangyari! Ibahin nga natin ang usapan. Ikaw naman ang matanong ko. Mayroon ka bang … katipan?

(Matitigilan si Segunda at biglang lulungkot ang kanyang mukha.)

Segunda. Wala ka bang alam, Pepe?

Pepe. Na ano?

Segunda. Tungkol sa akin? Wala bang nababanggit sa’yo ang kapatid ko?

Pepe. Si Mariano? Wala.

Segunda. Magtapat ka sa ‘kin!
(Isang sandali)

Pepe. Minsan … mayroon siyang nabanggit sa akin … na may katipan ka na raw …

(Hindi sasagot si Segunda. Tatapusin niya ang ginagawa niyang papel na bulaklak.)

Pepe. At nalalapit na raw ang araw ng inyong… pag-iisang-dibdib. Totoo ba ito? At kailan ang kasal? Totoo ba na uuwi ka sa inyo sa Lipa ngayong bakasyon at di na muling babalik sa Maynila?

Segunda. Gusto ko sanang tumigil pa rito upang ipagpatuloy ang aking pag-aaral … ngunit ang mga magulang ko …

Pepe. Gusto nilang papagtaliin ang inyong dibdib? Pinipilit ka ba nila?

Segunda. Hindi naman. Bakit mo natanong iyan?

Pepe. Kung gayon, ikaw ang may kagustuhan nito?
(Magkikibit ng balikat ang dalagita.)

Segunda. Ang lagay ay … nakikinig lang ako sa mga nakakatanda sa ‘tin.

Pepe. Kailangan bang sundin ang mga magulang sa lahat ng panahon? At sa lahat ng bagay?

Segunda. Oo, sapagkat nakakatanda sila sa atin … at alam nila kung ano ang nararapat para sa atin.

Pepe. Maski na tungkol ito sa mga bagay na may kinalaman sa puso? Gaya ng… kung sino ang nararapat para sa atin?

Segunda. Lalo na. Pagkakatiwalaan ko na muna sila bago ang aking sarili.

Pepe. Bakit?

Segunda. Maaaring mas tama sila pagkat di sila nabubulagan …

Pepe. At maaari ding magkamali sila, di ba?

Segunda. Maaari din …

Pepe. At malalaman mo ito—na tama ka at sila ay mali—kung kailan huli na ang lahat? Kung kailan naaksaya na ang kalahati ng iyong buhay? At marahil wala ka nang magagawa?

Segunda. Ano pa nga ba ang magagawa ng isa kung tinalagang mangyari ang ganoon?

Pepe. Kailan ang uwi mo ngayong bakasyon?

Segunda. Sa Sabado. Isang grupo kami na magsasabay-sabay. Ikaw?

Pepe. Uuwi rin ako sa amin sa Calamba.

Segunda. Bakit di pa tayo magsabay-sabay? Ibababa ka namin sa Calamba. Kasya sa aming carromata ang isa pang katao.

Pepe. Naipangako ko kasi sa aking Mama na Biyernes ang uwi ko.

Segunda. Kung maaari din lang, bakit di mo gawing Sabado? Baka huli na ang Biyernes …

Pepe. Ano'ng ibig mong sabihin?

Segunda. Para nga makasabay ka sa amin.

Pepe. Hayaan mo at titingnan ko.

(Iaabot ni Pepe kay Segunda ang larawan na ginuhit niya.)

Pepe. O, et o… Ipagpaumanhin mo sana kung di ko nahuli ang taal mong kariktan.

(Titingnan at kikipkipin ni Segunda ang larawan sa kanyang dibdib. Titingin siya kay Pepe nang walang patumangga.)

Segunda. Maraming salamat, Pepe.

(Bilang kapalit ng larawang iginuhit ni Pepe, kukunin ni Segunda ang sombrero na nakalapag sa damo, isusuksok ang papel na bulaklak sa banda, at iaabot ito kay Pepe. Magsasalita si Pepe, animo kausap niya ang bulaklak sa kanyang sombrero na hawak-hawak niya. Nakatitig siya sa bulaklak habang sinasabi ang sumusunod.)

Pepe. Alam mo ba, Segunda … na ikalulungkot ko nang labis … ikauulila ko … kung mangyaring … mawala ka … sa buhay ko? Ngayon pa namang… nagkakilala na tayo at … at …

Segunda. At ano, Pepe?

(Biglang tutugtog ang kampana ng simbahan bilang tanda ng agunyas. Mabubulabog ang mga kalapati at magliliparan sila sa bakuran ng escuela. Susundan ng kanilang mata ang mga naglipanang ibon.)

(Nakahanda nang lumikas si Segunda.)

Pepe. Segunda …

Segunda. Paalam na … Pepe. Paalam!

Pepe. Bakit paalam? Di ba magkikita pa tayo? Sa inyo sa Lipa … kung di man dito sa—

(Tatakbo ang dalagita na dala-dala ang lahat ng kanyang kagamitan.)

Pepe. (pahabol) Segunda!

(Titigil at lilingon si Segunda. Lalapit si Pepe kay Segunda.)

Segunda. Ano iyon, Pepe?

Pepe. Segunda …

Segunda. Magsalita ka, Pepe.

Pepe. Segunda …

Segunda. Pepe, nariyan ang sundo ko.

Pepe. Anong oras ang daan ninyo sa bukana ng Calamba?

Segunda. Marahil sa ganitong oras din.

Pepe. Baka abangan ko ang inyong carromata sa daan papuntang Lipa.

Segunda. Bakit pa? Sayang lang ang panahon mo! At … mabibigo … mabibigo lang siya …

Pepe. Sino?

Segunda. Ang iyong Mama.

(Biglang tatalikod at tatalilis si Segunda.) Susundan ng tingin ni Pepe ang dalagita.)

Pepe. Segunda!

. . .

Tinig ng Taga-salaysay
:
Gaya ng ipinangako niya, sa takdang oras sa sumunod na Sabado, si Pepe, sakay ng kanyang puting kabayo, ay nagtungo sa bukana ng Calamba, sa daan papuntang Batangas.
      Nagbakasakali siyang makita niya ang carromata na sakay sina Segunda at ng kanyang mga kaibigan.
      Dumaan nga ang carromata ngunit mabilis ang takbo nito.
      Malapit na ang sasakyan nang makita ni Pepe na sila na nga iyon.
      Itataas ni Pepe ang kanyang kamay upang patigilin ang carromata, ngunit mabilis ang takbo ng kabayo at ng hilahilang carromata.
      Makikita ng mga dalagita si Pepe nang nakalampas na ang carromata.
      Inakala ng mga dalagita na kumakaway lang si Pepe, kaya kumaway sila at buong siglang sumigaw ng "Pepe! Pepe! Pepe!"
      Makikita ang mukha ni Pepe na pagpugaran ng lungkot at kabiguan.
      Hawak-hawak niya—sa kanyang kanang kamay na kumakaway pa rin—ang isang liham.
      Gusto sana ni Pepe na makarating kay Segunda ang laman ng liham: ang pagtatapat ng taus-pusong pagmamahal ng isang binatilyo sa isang dalagita.

(Makikita ang kalsada patungong Batangas. Sa malayo, ang binatilyo na sakay ng kanyang puting kabayo.)

Tinig ng Taga-salaysay:
Wala sa kaalaman ng binatilyong si Pepe—pati na rin ng dalagitang si Segunda—na ang pag-iibigan nila na sumilang at nag-usbong ay walang pag-asang lumabong at mamulaklak … sa kanilang maligalig na daigdig … at sa kanilang takdang panahon.
      Saka lang nila malalaman ang katotohanan … na bago pa man napamahal si Pepe kay Segunda—at si Segunda kay Pepe—mayroon nang taglay na ibang minamahal si Pepe: Ang Inang Bayan.
      Ang pinaka-una, ang pinakahuli, at ang pinakamatinding pag-ibig na mararanasan niya sa buong buhay niya, hanggang sa kanyang mga huling oras sa Bagumbayan: Ang pag-ibig sa Bayang Pilipinas.
      Hindi nila alam ito noon.
      At nang malaman nila ito, huli na ang lahat.

 

* * *

 

-----------------------------------------

*11 Sept 1878 to Dec 1882. (Manila)
P. Jacinto (pseud. Jose Rizal)
MEMORIAS DE UN ESTUDIANTE
17x26.5 cms., 42. leaves., 53 pp.
On ruled notebook in ink.
Contains six chapters written in Manila
and one additional chapter written in Heidelberg.
Different dates for each chapter.
Sgd. P. Jacinto at the end. Spanish.
Rbib 79. Retana 29.
(A Calendar of Rizaliana by Ambeth Ocampo, 199?, Anvil, Manila)


1861
-JR's b-day
1878-JR starts talambuhay; he is 17
1882-JR ends talambuhay; he is 21???
1882- petsa ng talambuhay
1896-JR dies on Bagumbayan



back to top



**************************************************


JOSE RIZAL'S ULTIMO ADIOS
IN WORLD LANGUAGE TRANSLATIONS



RIZAL'S THIRD MYSTERY
by Alberto Florentino

When Jose Rizal died on December 30, 1896, on Bagumbayan (now the Luneta), he brought with him to his grave three mysteries of his life that have continued to baffle his countrymen—from the man in the street to the Rizalist-scholar:

• Did Rizal make a retraction on the eve of his execution?

• Did he “make an honest woman” of Josephine Bracken before he died?

• When did he write his “valedictory poem” (“Ultimo Adios”)?

Scholars have differed in their beliefs regarding the precise time when Rizal wrote the 14-stanza poem:

• Some say Rizal wrote “Ultimo Adios” long before he knew he was going to die in the hands of the Spaniards.

• Others claim he wrote it over several days during his incarceration, long before he learned of his sentence (death by musketry).

• Still others believe that he wrote it in one day—or in one evening, on the eve of his execution.

The first speculation—that Rizal wrote the poem over several months or years—would give credence to the theory that Rizal choreographed his life and worked out the scenario for his eventual death and martyrdom.
      The second speculation—that he wrote it over several days—seem most realistic. After all, a poet, even one of great talent, usually needs time to write a poem with such power and beauty.
      The third—that he wrote it in one day or even less—is the most alluring: the image of the condemned poet, on the eve of his execution, surrounded by his jailers and guards, receiving his relatives and friends (and even some of his enemies), dashing off the 70-line poem in one sitting, unseen by anybody in the midst of the turbulence going on around him.
      The last version taxes the imagination much, even if it underscores the ability of a genius—which he was—to write a poetic masterpiece in a creative frenzy under the conditions of a crowded, well-guarded cell.
      All these speculations raise questions which invite further speculations:

• If Rizal took days or weeks to compose the poem, did he write drafts? Do geniuses write drafts?

• If he did, where are the drafts? Did he compose and rewrite the poem in his head until he put it down on paper in its final form?

If Rizal composed the poem in his cell during his incarceration—between the sentencing and the execution--and made drafts, they would have been found among his papers.
      But Rizal was so closely guarded that even the original—written on both sides of a small, single sheet of paper in near-microscopic handwriting—had to be smuggled past the guards inside an alcohol stove which he handed to one of his sisters with a whispered message in English: “There is something inside.”
      The poem, of course, survived and reached the Filipino people and the world.
      Like the other two mysteries, this third mystery continues.



**************************************************


RIZAL'S ULTIMO ADIOS
IN WORLD LANGUAGE TRANSLATION


Poet / Translator of the Week: LUIS DATO
(Author of “The Spouse,” “Day on the Farm,” etc.)

This translation of Rizal’s Ultimo Adios published by Philippine Magazine, ca. 1930s.



MI ULTIMO PENSAMIENTO


Farewell, dear isles beloved of sea and sky,
Where once we envisioned the gleam of Paradise,
For your dear sake seems it divine to die,
And were life fresher, brighter still would I
Walk smiling onward to the sacrifice.

Down fields of battle in the undying faith,
Others face death without questioning why:
Place matters not: the laurel or the wreath,
The scaffold, torture, or the plains of death,
All are the answer to the country’s cry.

I die just when the sky purples in the dawn,
And day at last arises from the night,
And if your dawn a deeper hue would own,
My blood take also, may the color strown*
Shine as it mirrors the wakening light.

The dreams which fancy to my childhood gave,
My darling dreams when into youth I came,
Were to behold you, Pearl of the Orient wave,
One day with dark eyes clear, the brow held grave
Aloft, unfurrowed, free at last from shame.

Dream of my life, my burning, living desire,
Hearken my soul to you at parting cry.
Hail, my country! how lovely ‘tis to expire,
To die that you may live a life yet higher,
The dead to slumber underneath your sky.

If some day** by my tomb a flower blows
From eyes half-hidden in the tufted grass,
Please draw it to your lips and press it close,
And I shall feel deep down whence it uprose,
Your kiss and sigh as by my tomb you pass.

Let moons look on me in the brooding night,
Let morn its passing splendor o’er me bring,
The wind let whisper o’er me in its flight,
And if a bird upon my cross alight,
Its hymn of peace, above me, let it sing.

Let the hot sun up gather cloud and rain
And skyward turn them pure even as my plea,
Leave friendship o’er my early tomb complain,
And in the evening when some pray in pain,
Pray also, O my country, pray for me.

And pray for all who in ill-fortune taken
Died in the night in thankless martyrdom,
For widows, orphans, men who groan forsaken,
For our mothers with bitter sighing shaken,
And for yourself who sees redemption come.

And when the tombs in night are darkened round
And but the dead keep watch there all night through,
Seek not to break their slumber underground;
And should by chance you hear a windborne sound,
My soul it will be, singing unto you.

And when my grave by none remembered more,
Bears neither cross nor stone o’er my remains,
Let plow and plowman, treading, turn it o’er;
I will have turned to dust, and long before
I will have spread, wind-blown, upon your plains.

What matter then if you forget the slain,
When I will roam your sky, your space at death?
With tremulous note will I your hearing gain,
Turn beam and hue and scent and sigh that fain
Would echo still the burden of my faith.

O woe of me, my motherland, my own,
Philippines dear, hear you my last goodbye.
From those I loved and loved me I’ll be gone;
I’ll dwell where slave and tyrant are unknown,
Where faith brings life and god rules o’er on high.

Farewell, dear parents of my spirit part,
Dear comrades in the land loved best, farewell;
Give thanks that I from living will depart,
Goodbye, sweet stranger** friend and joy of heart;
Goodbye, my dear ones; death is rest. Farewell!


* strewn?
** someday
*** foreigner?




Note
: Mr. Dato’s translation, which he entitled “Mi Ultimo Pensamiento,” has appeared in a number of publications in whole or in part, and is here published with new revisions by the translator. (A.V. Hartendorp, editor, Phil. Mag., ca. 30s)




back to top

 


Home | Capsule Biography | Capsule Bibliography

What This Website Will Contain

What Will Ilustrado.Net Cybermagazine Feature?

Index of Sampler (Free Downloadables)

Alberto Florentino In Phil.-Litt-In-English Canon

AF's Sample Mini-Plays Index

Alberto Florentino In Cinema, Television, and Theater

Alberto Florentino & Academia | Alberto Florentino & Patrons

Florentino's Kakanggata | Florentino's Cosmic Calendar (Newsletter)

Alberto Florentino's Ilustrado.net Cybermagazine (Artgallery)

Florentino 's R I Z A L I A N A (Writings) | Contact Me / Write Me

 

Copyright © 2000 Alberto S. Florentino. All rights reserved. Readers are welcome to view, save, file and print out single copies of this webpage for their personal use. No reproduction, display, performance, multiple copy, transmission, or distribution of the work herein, or any excerpt, adaptation, abridgment or translation of same, may be made without written permission from the author. Any person who does any unauthorized act in relation to this work will be liable to criminal prosecution and civil claims for damages.

 

Hosted by www.Geocities.ws

1