cyberfreaks


home

Please visit our articles on

Vivian

Foreign Debt
E-Commerce

Jay-Ar

May Bagong Uso
Battery Tester Instructional Article

Rachelle

Article on Debt
IRC 101 Instructional Article
Computer/Offset Printing Service

CyberFreaks�
"May Bagong Uso"

Pahina 1

Frame 1

Top Cap: Isang Huwebes ng umaga sa isang kalye sa Barangay Pauso...

Fidel: Pareng Erap ikaw pala! Ano bang atin?

Erap: Ah Fidel hihiram sana ako ng screw driver, palyado na naman ang dyip ko eh.

Fidel: Yon lang ba, sandali lang ah.

Larawan:

All bubbles are ordinary.

Title "May Bagong Uso" superimposed on the first frame, author's name under it.

Tagpuan: Sa tapat ng gate ng bahay ni Fidel, hindi gaanong kagaraan ang bahay pero desente naman, mayroon itong dalawang palapag, napapaligiran ng konkretong pader at may mga halaman sa tapat ng bahay, naroon ang isang sako na tinatalian ni Fidel at tatlong iba pa na pawang natalian na.

Mga Tauhan:

Fidel:Nasa gawing kanan habang akmang nagtatali ng isang sako ng basura, may hawig kay dating Pangulo Fidel V. Ramos, naka T-shirt na kulay berde at naka blue jeans, nakatsinelas.

Erap: Nasa gawing kaliwa, may hawig kay Pangulong Joseph Estrada, naka T-shirt na orange at short na maong, nakatsinelas, nasumbrero nang pabaliktad at may ilang dumi ng grasa sa katawan.

Frame 2

Top Cap: Makalipas ang tatlong minuto...

Fidel: O pare ito na.

Erap: Salamat pare, ibabalik ko na lang sa hapon.

Larawan:

Akmang inaabot ni Fidel ang screw driver kay Erap

Frame 3

Erap: Siya nga pala. Ano na naman ba 'yang pinagkakaabalahan mo?

Fidel: Ah ito, pinaghihiwa-hiwalay ko lang itong mga basura namin.

Larawan:

Akmang isinusuksok ni Erap ang screw driver sa likurang bulsa habang ipinagpapatuloy naman ni Fidel ang pagtatali sa sako.

Frame 4

Erap: Huh! Pati ba naman ikaw eh nakikisali sa kalokohang 'yan.

Fidel: Ikaw talaga o. Hindi kalaokohan ang tawag dito-"Garbage Segration!"

Larawan:

Napatayo nang tuwid si Fidel habang si Erap naman ay ikinukumpas ang dalawang kamay para maliitin ang ginagawa ng kaibigan.

Pahina 2

Frame 1

Erap: Alam ko, pero 'pag nakolekta na 'yan ng trak, problema na nila 'yan!

Fidel: D'yan ka mali dahil ang mga tao sa mga lugar na pinagtatapunan ng basura gaya ng Carmona, San Mateo Landfill eh umaangal na, baka bukas makalawa wala na tayongmapagtapunan ng basura.

Larawan:

Ang view ay mula sa likod ni Erap kaya makikitang nakatalikod si Erap sa larawan at si Fidel lang ang nakaharap na nasa gawing kaliwa ng larawan. Ang kuha ay mula lamang sa kili-kili pataas hanggang ulo.

Frame 2

Erap: Problema ba 'yan?Eh di sunugin na lang o kaya itapon sa ilog.

Fidel: Naku lalong malaking problema dahil magdudulot 'yan ng polusyon sa hangin at sa tubig.

Larawan:

Mula sa gawing taas sa likod naman ni Fidel ang view kaya si Erap naman ang makikitang nakaharap habang ikinukumpas na naman ang mga kamay.

Frame 3

Erap: Kahit na! D'yan sa segration mukhang matrabaho, wala rin namang ipinagkaiba.

Fidel: Ba meron, 'kala mo!

Larawan:

Si Erap lang ang makikita sa larawan, at banaag sa mukha niya ang hindi pagsang-ayon.

Frame 4

Erap: Aber, sige nga!

Fidel: Tulad ng mga biodegradable o nabubulok na basurang ibinaon ko sa likod-bahay, labinlimang araw lang at pwede nang pataba sa lupa.

Larawan:

Ikinukumpas ni Fidel ang kamay at tila itinuturo ang kanilang liko-bahay.

Pahina 3

Frame1

Erap: Pa'no naman sa mga di-nabubulok?

Fidel: Sa mga di-nabubulok o non-biodegradable naman, ang ilan sa mga ito gaya ng mga bote, papel at bakal ay maaaring ipagbili sa junkshop.

Larawan.

Makikita pa rin sa larawan ang dalawang tauhan habang ititinuturo ni Fidel ang mga grupo ng mga bote, ang nakasalansan na peryodiko, at isang sako na may markang "bakal."

Frame 2

Fidel: Ang mga di-mabibili tulad ng plastik, goma, at mga basurang may kemikal gaya ng pintura ay siyang kokolektahin para mairecycle o maitapon ng maayos.

Larawan:

Hindi makikita sa larawan ang dalawang tauhan, sa halip ay kamay lamang ni Fidel na nakaturo sa tatlong sako na may mga markang "plastik," "goma," at "toxic waste"

Frame 3

Erap: Talaga palang ayos 'yan ah!

Fidel: Nakita mo na.

Larawan:

Ipakita lang na nag-uusap ang dalawa.

Frame 4

Erap: Teka pare, eh pa'no naman ang diskarte d'yan?

Fidel: Simple lang.

Larawan:

Napapakamot sa ulo si Erap na tila lito pa rin, habang nakakumpas naman ang kamay ni Fidel na nakaturo pataas.

Pahina 4

Frame 1

Fidel: (bilang Top Cap) Paghiwa-hiwalayin ang mga nabubulok(biodegradable), di -nabubulok (non-biodegradable), at basurang may kemikal (toxic waste).

Larawan:

Hindi makikita sa larawan ang dalawang tauhan, sa halip ay tatlong drum na may markang "biodegradable," "non-biodegradble," at "toxic waste."

Frame 2

Fidel: (bilang Top Cap) Ang mga nabubulok na basura gaya ng tirang pagkain, balat ng prutas, dahon, atbp. Ay maaaring ibaon sa lupa at maging pataba.

Larawan:

Larawan lamang ng mga nabanggit na nabubulok na basura ang makikita.

Frame 3

Erap: Gaano naman kalalim dapat ibaon sa lupa ang basura at gaano katagal?

Fidel: Mga labinlimang araw, tungkol naman sa lalim ng hukay eh siguraduhin mo lang na di makakalkal ng hayop o mangangamoy.

Erap: Pa'no naman sa mga di-nabubulok?

Larawan:

Ipakita lang na nag-uusap ang dalawa.

Frame 4

Fidel: (bilang Top Cap) Gaya nga nang sabi ko sa 'yo kanina, pag hiwa-hiwalayin ang papel, bote, bakal, plastik, goma, mga basurang may halong kemikal, atbp.

Larawan:

Hindi pakikita ang mga tauhan sa larawan sa halip ay larawan ng ma nabanggit na basura.


Back to Top

© 2000. IAN, JAY-AR, RACHELLE.
For comments and violent reactions, contact us. Check out our teacher's website.

Hosted by www.Geocities.ws

1 1